-- Advertisements --

Plantsado na ang pagsabak ni Floyd Mayweather Jr sa Ultimate Fighting Championship.

Sinabi ni UFC President Dana White na nagkasundo na sila sa promoter ni Mayweather na si Al Haymon sa pagkakaroon ng pagsama nina Mayweather at UFC.

Malaki rin aniya ang posibilidad na lumaban rin ang US boxing champion sa UFC.

Pinag-aaralan ngayon nila kung magkakaroon ba ng cross-over sa nasabing sports kung saan magkakaroon ng boxing sa loob ng octagon at Mixed Martial Arts sa loob ng boxing ring.

-- Advertisement --

Inaasahan niya na sa mga susunod na mga araw ay masasaayos na ang nasabing kontrata.