Dumating sa Pilipinas nitong Linggo ng madaling araw si undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Alas-3:30 ng madaling araw nang lumapag sa bansa ang private plane ni Mayweather, na sinalubong ng kanyang kaibigang negosyante na si Lester Codog.

Lilipad din patungong Boracay si Mayweather upang magbakasyon.

Nakatakda naman itong bumalik sa Maynila sa Abril 2, at lilipad pa-Las Vegas kinabukasan.

Sa ngayon, sinusubukan din umano ni Codog na maplantsa ang isang meeting sa pagitan nina Mayweather at Sen. Manny Pacquiao.

Una rito, kinumpirma ng Pinoy ring icon na patuloy ang mga negosasyon ukol sa posibilidad ng rematch nila ni Mayweather.