-- Advertisements --
Nagbigay ng 200 sako ng bigas bilang donasyon si retired US boxing champion Floyd Mayweather para sa mga biktima ng bagyong Karding sa Quezon.
Ang nasabing bigas ibinahagi sa mga mahigit 6,000 residente ng lugar.
Karamihang nabigyan dito ay a mga naninirahan sa mga coastal barangays gaya ng barangay Rizal, Barangay Libo ng bayan ng Panukulan.
Sinabi nito na hanggang makakayanang tumulong ay tutulong ito para sa mga kapos sa buhay lalo na ang mga nasalanta ng kalamidad.