-- Advertisements --

Muling sasabak sa exhibition fight si retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr.

Ayon sa kampo nito na makakaharap niya si Japanese Mixed Martial Arts (MMA) fighter Mikuru Asakura sa Setyembre.

Kanilang inaayos pa ang lugar at eksaktong petsa nito.

Ito na ang ikalawang exhibition fight ni Mayweather sa Japan na ang una ay noong 2018 ng talunin si Tenshin Nasukawa.

Nauna ng nakansela ang laban ni Mayweather kay Don Moore noong Mayo sa Abu Dhabi dahil sa pagpanaw ng lider nila doon.