
Mayorya ng mga Pilipino o katumbas ng mahigit 50% ang pabor sa desisyon ng Kongreso na irreallocate ang confidential at intelligence funds sa mga ahensiya na nangangasiwa sa seguridad ng bansa.
Ito ay base sa lumabas na resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Nasa 72% naman sa mga respondents ang batid ang diskusyon sa kontrobersiyal na confidential funds.
Kung saan mayorya ng respondents na may kaalaman sa isyu ay sa Balance Luzon na nasa 87%, habang pinakamataas naman ng porsyento ng respondents na walang kaalaman sa mga isyu ay sa Mindanao na nasa 39%.
Sa socio-economic groups naman, 72% ng class ABC ang pinakamataas na bilang ng mga pumabor habang nasa 54% ng class E ang pinakamababang bilang ng pumabor.
Samantala, tanging 14% ng adult Filipinos ang tumutol sa desisyon ng Kongreso para irrallicate ang confidential funds.
Isinagawa ang naturang survey sa 1200 respondents sa buong bansa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 5 kung saan ito ay may ±3% margin of error.










