-- Advertisements --

Hiniling ng Mayors for Good Governance (M4GG) kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III kung maari nilang mabuksan ang record ng National Expenditure Program (NEP) at General Appropriations Act (GAA) for 2023 to 2025.

Nakasaad sa sulat na nais nilang malaman ang record sa mga iba’t-ibang proyekto gaya ng alokasyon sa infrastructure, social services at iba pang mga proyekto.

Ang sulat na may petsa na Oktubre 2, kung saan layon nito ay para makita na ang pondo ay inilaan sa tamang mga proyekto.

Ilan sa mga pumirma ng sulat ay kinabibilangan nina: Baguio Mayor Benjamin Magalong, Pasig Mayor Vico Sotto, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Isabela City Mayor Sitti Hataman.