-- Advertisements --

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa mga kongresista dahil sa kanilang suporta sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakalipas na taon.

Base sa litrato at videos na pinadala ng opisina ni Speaker Lord Allan Velasco sa media, ipinaabot ni Mayor Sara ang kanyang pasasalamat sa mga kongresista sa pamamagitan ng video teleconferencing.

Nangyari ito sa breakfast meeting na inorganisa mismo ni Velasco bago ang pagbubukas ng kanilang third regular session sa 18th Congress.

Kasama ni Velasco sa naturang meeting sina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at iba pang Deputy Speakers.

Mamayang alas-4:00 ng hapon ay nakatakdang magbigay ng kanyang huling SONA si Pangulong Duterte sa Batasang Pambansa.