-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakahanda na ang lungsod ng Davao sa isasagawang aktibidad na bahagi ng pagdiriwang ika-122th Independence day.

Una ng sinabi ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na kahit apektado ang bansa sa Covid-19 pandemic kailangan pa rin na bigyan ng halaga ang pagdiriwang ng araw ng kalayaan para mga bayaning nagbuhis ng buhay.

Nilinaw rin ng alkalde na magiging simple lamang ang aktibidad lalo na at limitado lamang ang papayagan na dadalo dahil na rin sa mga polisiya na ipinatupad ng lungsod bilang bahagi ng General Community Quarantine (GCQ).

Samantalang nasa lungsod pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit aasahan na maaga itong babalik sa Manila para sa nakatakdang pakikipagpulong nito sa mga personahe ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa lunes.