-- Advertisements --

Nabakunahan na kontra COVID-19 si Manila Mayor Isko Moreno.

Ang bakunang gawa ng Sinovac Biotech ang itinurok kay Moreno, na ginanap sa Osmeña High School sa Tondo, Manila.

Sa isang briefing matapos siyang bakunahan, hinimok ni Moreno ang mga nasa priority list na magpabakuna na rin.

Bukod sa Sinovac vaccines, nagsimula na rin sa Manila ang rollout ng AstraZeneva vaccines para sa mga senior citizens, na pasok din sa priority list ng pamahalaan.

Sumunod rito ang mga napapabilang sa A3 category, na pawang mga 18 hanggang 59 anytos na mayroong comorbidities.

Magugunitang pinayagan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbakuna sa mga local chief executives sa mga high-risk na mga lungsod at bayan.