Pastor Joel Apolinario
KAPA founder Pastor Joel Apolinario (video grab from Facebook live)

DAVAO CITY – Binigyan diin ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya nagkulang sa pagpapaaalala sa kanyang nasasakupan hinggil sa mga investment scams.

Pahayag ito ng alkalde nang tanungin ng isang miyembro ng Kabus Padatuon (KAPA) sa isang pagtitipon kung maibabalik pa sa kanila ang pera na kanilang pinasok sa investment scheme.

Ang pinirmahan daw kasi nilang dokumento ay nagsasabing donasyon lamang ang kanilang ipinasok na pera at hindi naman investment.

Para kay Mayor Inday, hindi maaring sabihin ng founder ng Kapa na si Pastor Joel Apolinario na donasyon ang ibinibigay sa kanya ng mga tao lalo pa at naghihintay ang mga ito ng ipinangako sa kanila na interest.

Gayunman, pinayuhan ng alkalde ang mga miyembro ng Kapa na magsampa ng reklamo sa NBI para mapanagot ang mga nasa likod ng investment scam.