-- Advertisements --

Nawalan na umano ng tiwala si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Philippine National Police.

Ito ay matapos na arestuhin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Maaalalang naglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court laban sa dating pangulo para sa kasong crimes against humanity.

Ginawa ng alkalde ang pahayag kasabay ng ulat na magsasagawa ang pulisya ng search warrant sa bahay ng kanyang ama, sa bahay ng kanyang kapatid na si VP Sara Duterte at nakatatandang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte.

Itinanggi naman ng Davao City Police Office and Police Regional Office-11 ang napaulat na pagsasagawa ng search warrants laban sa mga Duterte.

Sa kabila nito ay nagtipon naman ang mga taga suporta ng mga Duterte sa bahay ng dating Pangulo.