-- Advertisements --
MAYON VOLCANO

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang muling pagluwa ng lava o lava effusion mula sa bunganga ng bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, agad din itong nasundan ng lava flow at mga rockfall events, patungo sa Miisi at Bonga Gully.

Sa nakalipas na 24 oras, naitala ng Philvolcs ang 70 na mga pagyanig na iniuugnay sa naturang bulkan, na kinabibilangan ng 65 na mahihinang pagyanig.

Naitala rin ang isang pyroclastic density current event at 51 rockfall events.

Sa nakalipas na araw, naitala ng naturang ahesniya ang pagbuga ng volcanic sulfur dioxide na aabot sa 727 tonelada kada-araw.