-- Advertisements --
Tiniyak ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) nitong araw na maaring inumin ang tubig na kanilang sinu-supply sa kabila ng manilaw-nilaw nitong kulang kasunod ng service interruption.
Sinabi ni Maynilad spokesperson Grace Laxa na ang yellowish collor ay bunsod ng “mineral deposits” na namuo sa mga tubo na dinadakuyan ng tubig.
Aniya, “normal” lamang aniya ang manilaw-nilaw na kulay kasunod ng water service interruption kasi natutuyo ang mga tubong dinadaluyan nito.
Maiging buksan aniya ang gripo ng ilang minuto o hanggang sa bumalik sa normal ang kulang ng lumalabas ng tubig.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Laxa sa kanilang mga customers na ang kanilang tubig ay malinis at potable.