Naglaan ang Maynilad Water Services, Inc. ng P10 billion para sa pagpapalit ng lahat ng lumang tubo nito bilang bahagi ng hakbang para makatipid ng tubig at mapababa ang Non- Revenue Water (NRW) ng kumpanya.
Sa isang pahayag, sinabi ng Maynilad na limang taon ang budget at sumasaklaw sa 477.2 kilometers ng mga sira at lumang tubo sa iba’t ibang lugar sa West Zone ng Metro Manila.
Nauna nang inamin ng Maynilad na nawawalan ng mahigit 1.1 milyong litro kada araw (MLD) ng tubig dahil sa pagtagas nito.
Kapag natapos na ang mga proyekto, may kabuuang 3, 643 kilometers o 78% ng distribution system na ipinasa ng kumpanya mula sa gobyerno sa muling pagsasapribado noong 2007.
Ayon kay Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado, tintitiyak niya na ang pag-upgrade sa mga pipelines ay siguradong magiging maganda ang serbisyo sa kanilang mga customers.
Una na rito, sa North at South Caloocan, Quezon City, Malabon, Navotas, Valenzuela, Manila, Pasay, Paranaque, Imus, at Muntinlupa, ay natapos na ang pagpapalit ng tubo noong Enero at Abril 2023.