-- Advertisements --
Nag-abiso ang Maynilad Water Services Inc. sa mga customer nito na makakarans ng water service interruptions kada araw simula ngayong Martes, Marso 28 bilang hakbang para makatipid ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon sa second half ng taon.
Ayon sa Maynilad nakapaglagay na ito ng mobile water tankers na nakastand-by para maghatid ng potable water sa mga kustomer.
Saad pa ng kompaniya na nakadepende sa actual raw water volume na matatanggap ng kanilang treatment plants at sa actual rainfall na mapupunta sa watersheds ang itatagal ng water service interruption.
Makikita naman ang kompletong listahan ng schedule ng mga maapektuhang lugar dahil sa water service interruption sa online website ng Maynilad.