-- Advertisements --
image 127

Inanunsiyo ng Maynilad Water Services Inc. na magbibigay ito ng diskwento sa mga apektadong customer dahil sa matagal na water interruptions na naranasan sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Putatan Water Treatment Plants (PWTPs).

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) chief regulator Patrick Ty, base sa isinagawang imbestigasyon, nadikskubre na nilabag ng Maynilad ang kanilang Service Obligation na pagtitiyak sa availability ng suplay ng tubig sa loob ng 24 oras.

Kung maaalala, nag-isyu ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ng isang notice noong Disyembre ng nakalipas na taon para pagpaliwanagin ang Maynilad dahil sa hindi pagpapalabas ng public advisories at notices may kinalaman sa water service interruption schedules, pagpapalawig ng water service interruptions at sa pagdami ng natatanggap at namomonitor ng opisina na mga reklamo mula sa mga customer.

Inihayag pa ng ahensiya na ang matagal na pagkawala ng suplay ng tubig ay nakakaapekto sa well-being ng mga cutomers.

Samantala, ipinag-utos na rin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office sa Maynilad na paspasan ang pagpapanumbalik sa normal ng water supply sa mga apektadong customers lalo na ngayong nasa gitna pa rin tayo ng pandemiya kung saan higit na kailangan ito para sa pagsisiguro ng kalusugan ng publiko.

Sa panig naman ng Maynilad, kinumpirma nito na tinatanggap nila ang resulta ng imbestigasyon ng MWSS at nagboluntaryong magbibigay ng diskwento sa mga customer na apektado ng water interruptions.