-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mismo na ang maybahay na si Dra Maria Milagros Andutan ang nagbigay-linaw upang itanggi ang ipinalutang ng arestadong mga suspek na kaya ipina-papatay ng isang organized crime group ang kanyang asawa na hospital medical director dahil umano sa isyu na mayroon itong ibang ka-relasyon na babae.

Paglilinaw ito ni Dr Andutan eksklusibo sa Bombo Radyo matapos unang iginiit ng tatlong akusado na umano’y gun for hire na kaya nila pinaslang si late Dr Raul Winston Andutan Jr na medical director ng Maria Reyna-Xavier University Hospital ay dahil napag-utusan sila sapagkat sangkot ng pambabae.

Subalit paglilinaw ng maybahay nito na sa loob ng kanilang 35 taon na pagsasama bilang mag-asawa ay kailanman hindi sila nagkaroon ng problema ukol sa extra marital affairs.

Katunayan,maingat masyado ang namayapa na doktor dahil sa ayaw nito madungisan ang kanyang reputasyon at dignidad lalo pa’t naging chairman emeritus awardee ito ng kanilang Philippine of Uroligical Association.

Kaugnay nito,hangad ng pamilya na makuha ang hustisya lalo pa’t kulong na itinurong utak ng kremin na si Balingoan vice mayoralty candidate Richard Gepte kasama ang tatlong taga-Bukidnon na inutusan na tambangan ang biktima.