-- Advertisements --

Korte lamang ang makakapagdesisyon kung papayagan si Senator Leila De Lima na makapagsagawa ng public hearing sa loob ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Ito ang binigyang-diin ni PNP spokesperson Pol. S/Supt. Benigno Durana.

Paliwanag ni Durana, wala sa PNP ang desisyon kung papayagan nila ang senadora na gampanan ang kaniyang trabaho bilang isang mambabatas.

Una rito tinanggihan ng PNP ang hiling ni Senate President Tito Sotto na payagan ang lady senator na magsagawa ng public hearing sa loob ng kulungan.

Pero giit ni Durana, sakaling magdesisyon ang korte kaugnay sa hiling ng Senado ay magsusumite din sila ng kanilang posisyon sa korte kung bakit hindi dapat maaaring gawin sa loob ng kulungan ang pagdinig.