Binigyan diin ni Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada na may mga batas na dapat sundin, matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na ayos lang para sa mga pulis na tumanggap ng mga regalo.
Sa isang panayam, iginiit ni Lizada na sa ilalim ng mga batas kagaya ng Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, pati na rin ang Republic Act 3019, the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sa ilalim ng RA 6713, ipinagbabawal sa mga public officials na mag-solicit o tumanggap ng regalo.
Pero, iginiit ni Lizada na gumawa ng exemptions ang Kongreso patungkol dito katulad na lamang kung ang regalong natanggap ay isang souvenir, mark of courtesy, scholarship, felloship grants o medical treatments mula sa mga foreign governments.
Tinukoy din ni Lizada ang Memorandum Circular No. 2016-002 o ang epartment of the Interior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga pulis na tumanggap ng regalo.
Samantala, ipinauubaya naman ng opisyal sa DILG ang desisyon kung paano nito tutugunan ang pronouncement ng Pangulo dahil ang PNP ay sa ilalim naman ng kanilang hursidiksyon.
Subalit sa panig naman aniya ng CSC, tatratuhin nila ang naturang usapin alinsunod sa kanilang mandato.
Noong Biyernes lang sinabi ni Pangulong Duterte na maaring tumanggap ng regalo ang mga pulis.