Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas ang kahandaan ng mga pulis sa isyu ng coronavirus disease (COVID-19).
Pahayag ito ni Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, dahil sa madalas na nagiging sumbungan ang PNP kahit sa ilang problema na hindi na nila sakop, kagaya ng pagresponde sa mga isyu ng COVID.
May mga pagkakataon daw kasi na sa pulisya itinatawag kahit ang mga hinihinalang coronavirus cases.
Pero ang ginagawa raw nila ay inire-refer ito sa Department of Health (DoH) para sa nararapat na aksyon.
Nagsisilbi na lang aniyang bantay ang mga pulis upang maiwasan ang komusyon.
Habang may nakahanda rin silang health programs para sa pagiging malusog ng mga tauhan sa NCRPO.
Kabilang na rito ang weight lose project nila, kung saan maging siya na pinuno ng regional police ay magiging parte ng aktibidad.