Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na mananatiling mabagal ang usad ng inflation rate sa bansa ngayong Mayo.
Ayon sa Department of Economic Research ng BSP, posibleng maglaro sa 2.8 hanggang 3.6-percent ang rate ng inflation ngayong buwan.
Paliwanag ng Bangko Sentral posibleng hatakin ng nagdaang adjustment sa presyo ng bigas at langis ang bilis sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin.
Kung maaalala, bumagal sa 3.3-percent ang inflation rate sa unang quarter ng taon.
Sa kabila nito patuloy pa rin daw na tutukan ng BSP ang paggalaw ng mga presyo para masiguro na hindi rin magbabago ang kanilang mga monetary policy.
“The BSP will continue to be watchful of evolving price trends to ensure that the monetary policy stance remains consistent with maintaining price stability,”