DAGUPAN CITY – Inirereklamo ng ilang residente ng Barangay Malindong sa bayan ng Binmaley ang tubig sa kanilang gripo na may kasamang buhay na bulate.

Kaugnay nito, hinihiling ng mga residente na aksyunan ng Binmaley Water District ang kanilang problema sa maruming tubig.

Ayon naman sa mga kawani ng Binmaley Water District, pinanindigan nilang malinis at walang bulate ang kanilang sinusuplay na tubig sa kanilang mga konsumers
Dagdag pa nila, wala naman daw nakitang bulate ang kanilang mga plumbers.

Pinaniniwalaang maaaring may butas o leak ang mga water pipe na pinagdadaanan ng kanilang supply ng tubig.

Nangako naman silang aaksyunan ng water district ang reklamo ng mga residente.