-- Advertisements --

Inanunsiyo ni NBA star JJ Redick na ito ay magreretiro na sa paglalaro ng basketball.

Sa kaniyang social media account, isinagawa ng 37-anyos ang kaniyang pagreretiro matapos ang 15-taon sa NBA.

Ilan sa mga nirason nito ay nahihirapan siyang maglaro dahil sa kaniyang injury, COVID-19 protocols at ilang paghamon.

Si Redick ay naging 11th overall pick ng Orlando Magic noong 2006 NBA draft.

Kasalukuyan itong naglalaro ito sa Dallas Mavericks at bago dito ay naglaro na rin sa ibang koponan gaya sa Milwaukee Bucks, Los Angeles Clippers, Philadelphia 76ers at New Orleans Pelicans.