-- Advertisements --

Nagbuhos si Luka Doncic ng 35 ponts at 10 assists para sa bumibisitang Dallas Mavericks upang ilayo ng isang panalo para sa Western Conference semifinals kontra sa Los Angeles Clippers.

Nagtapos ang laban ng Mavs at Clippers sa score na 123-93.

Samantala, nag-ambag si Maxi Kleber ng 15 puntos nang makuha ng Mavericks ang 3-2 lead sa best-of-seven series.

Umiskor naman sina Jaden Hardy at Kyrie Irving ng tig-14 puntos para sa Mavericks.

May tig-12 sina Dereck Lively II at Derrick Jones Jr.

Nagtapos si Paul George na may 15 puntos at 11 rebounds at may 15 puntos din si Ivica Zubac para sa Clippers, na naglaro sa ikatlong pagkakataon sa serye na wala si Kawhi Leonard (dahil sa pamamaga ng kanang tuhod).

Ito ang unang pagkakataon na ang Los Angeles ay bumaba ng isang laro nang walang star player.

Nakatakda ang Game 6 sa Biyernes sa Dallas.