-- Advertisements --

Sasamantalahin na ng Dallas Mavericks ang home court advantage para tapusin na ang first round Western Conference Playoffs nila sa pagitan ng Los Angeles Clippers.

Hawak kasi ng Dallas ang 3-2 na nangangahulugan ay isang panalo na lamang ang kailangan.

Kumpiyansa sila na mauulit nila ang Game 5 kung saan tinambakan nila ang Clippers ng 30 point 93-123 sa sariling homecourt ng Los Angeles.

Malaking hamon ngayon pa rin para sa Clippers ang kawalan ni Kawhi Leonard at Terance Mann na nagpapagaling pa rin sa kanilang injury.

Susubukan din ng Cleveland Cavaliers na tapusin na rin ang serye nila ng Olrando Magic sa Eastern Conference first round playoffs.

Hawak kasi ng Cavs ang 3-2 na kalamangan subalit malaking hamon ngayon ay sa KIA Center sila maglalaro ang homecourt ng Orlando.

Noong Game 5 kasi ay tila sinuwerte lamang ang Cavs ng makuha ang 104-103 na panalo laban sa Magic sa pamamagitan iyan ni shooting guard Donovan Mitchell na nagtala ng team-high na 29 points.

Naniniwala naman ang Magic na maitatabla pa nila sa 3-3 ang serye nila ng Cavs kung saan sasamantalahin nila ang home court advantage.