Hiwalay sa mga regular inmates sa Bicutan, Taguig, ang nakakulong na si Cayamora Maute, ama ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, ikinukonsiderang high profile inmate ang nakakatandang Maut kaya ibinukod ang selda.

Sinabi ni Padilla na dahilan ng paglipat dito sa Maynila ng Maute patriarch ay para matiyak ang seguridad nito.

Aniya, abala ang puwersa ng militar sa Mindanao sa pagpapatupad ng Martial Law kaya hindi mapagtuunan ang seguridad ng mga ito at minabuting dalhin dito sa Maynila.

Pinawi naman ni Padilla ang pangamba ng ilan na baka magkaisa ang mga nakakulong na mga rebelde sa Bicutan at maghasik ang mga ito ng karahasan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here