-- Advertisements --

Inihahanda na ng Japan ang pagpapadala nito ng ikalawang grupo ng mga eksperto sa Mauritius upang tumulong na kontrolin ang environmental impact na dulot ng oil spill mula sa isang bulk carrier na pagmamay-ari ng Japan.

Ito ay binubuo ng mga eksperto mula sa National Institute for Environmental Studies at Environment Ministry. Hiling ito ng Mauritius government upang malaman ang lawak ng naapektuhan sa local ecosystem bunsod na rin ng tumagas na langis mula sa nasabing barko.

Sumadsad sa Indian Ocean ang MV Wakashio noong Hulyo 25.

Noong Agosto 10 ay pinadala ng Japanese government sa nasabing lugar ang unang grupo ng mga eksperto kasama na ang mga opisyal ng Japan Coast Guard.

Patuloy naman ang ipinapakitang suporta ng Japan sa Mauritius upang tumulong na hindi na lumala pa ang epekto ng oil spill.