Ibinahagi ng modelong si Maureen Wroblewitz ang application form noong sumali siya sa isang modeling.
Sa social media account nito ay nagpost ito ng larawan ng application form ng reality show na “Asia’s Next Top Model” noong ito ay 18-anyos pa lamang.
Makikita sa larawan na sinagot nito ang ilang katangunan sa mala-slambook na tanong.
Nagwagi ito ng Cycle 5 ng nasabing reality show para maging siya ang pambato ng bansa at makatiyak ng panalo.
Matapos ang ilang taon ay sumali ang Filipino-German model sa Miss Universe Philippines 2021 pageant na nirerepresenta niya ang Pangasinan.
Dito ay naging first runner-up siya habang itinanghal na nagwagi si Beatrice Luigi Gomez.
Magugunitang taong 2022 ng kinumpirma nito na hiwalay na sila ng nobyong singer na si Juan Karlos matapos ang limang taon na relasyon.