-- Advertisements --

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na matutong kusang sumunod sa mga umiiral na health protocols laban sa coronavirus disease.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, hindi kayang bantayan ng mga otoridad ang lahat ng indibidwal upang tiyakin na sumusunod sila sa health protocols.

Ang pahayag na ito ni Malaya ay ginawa matapos mapansin ng ilang eksperto mula OCTA Reasearch Group na tumataas ang COVID-19 cases sa Metro Manila.

Aniya, nagpapaalala sa mga tao ang discipline brigade na umiikot sa mga barangay. Bawat isa umano ay dapat maging responsable dahil hindi naman lahat ay mababantayan ng gobyerno sa loob ng 24 oras.

Ang tinutukoy na reproduction number ay ang inaasahang bilang ng bagong infection na dulot ng isang infected na indibidwal sa isang populasyon kung saan lahat ay susceptible.

Nangako naman ang ahensya na mahigpit nilang ipapatupad ang mga health protocols sa papalapit na holiday season.