Iginiit ng Department of National Defense (DND) na mahalagang factor ang mature defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa paglipat nito tungo sa external defense operations.
Ginawa ng ahensiya ang naturang pahayag kasunod ng pagkikita nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr at Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu sa Camp Aguinaldo sa Quezon city kung saan natalakay ang bilateral cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Dito, napag-usapan ang ilang bilateral activities na nagpatibay sa malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa at nagpalitan ng mga objectives sa pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Ang defense engagement sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay nakaangka sa Enhanced Defense Cooperation Program kalakip ang mahahalagang pillars ng maritime security at counter-terrorism, military training at education, humanitarian assistance and disaster response at gender, peace and security.
Sa ilalim din ng Marcos admin, nakagawa ang DND ng mahalagang mga hakbang tungo sa paglinang ng kapasidad ng Pilipinas para depensahan ang bansa at mamamayan mula sa panlabas na banta o outside forces.