-- Advertisements --
397163110 738652728302945 9034714139581035025 n

Pumanaw na ang American actor na si Matthew Perry, na mas kilala sa kanyang iconic role na Chandler Bing sa isang hit 90’s series na ‘Friends’.

Ayon sa TMZ, si Perry, 54, ay natagpuang walang buhay sa isang jacuzzi sa Los Angeles-area home noong Sabado. Batay sa ulat ng naturang outlet, namatay ito dahil sa pagkalunod.

Iniulat din ng TMZ na kinumpirma rin ng kanilang sources na walang nakitang droga sa pinangyarihan, at walang pinaghihinalaang foul play sa pagpanaw nito.

Kung matatandaan kasama ni Perry ang kaniyang costars na sina Jennifer Aniston, Courteney Cox, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc, at David Schwimmer sa hit TV series na ‘Friends’ kung saan nagkaroon siya ng Emmy nomination noong 2002.