Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na dahil sa mataas na interes ng ilang mga global leaders sa Davos,Switzerland posibleng mapapadali na ang pagpasa sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) na magtatatag ng sovereign wealth fund.
Pinangunahan ni Pang. Bongbong Marcos ang pagpapakilala sa mga world leaders ang MIF sa isinagawang Philippines Country Strategy Dialogue at dito nakita na marami ang interesado.
Sinabi ni Romualdez na ang swift passage ng House Bill No. 6608, na nagtatag ng Maharlika Investment Fund, ang nagbibigay ng mataas na momentum sa Pangulo at sa Phil delegation na itake advantage mga opurtunidad na magdudulot ng positibong development sa ating bansa.
Ayon kay Romualdez, malaki ang maitutulong ng MIF para mapondohan ang mga infrastructure projects sa ating bansa.










