-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang nararanasan na matinding init o heatwave na hanggang ngayon ay nagdudulot pa rin ng mga wildfires sa ilang bulubundukin sa ilang bahagi ng China.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, bagamat bumaba na ang mga naitatalang pagkasunog sa mga kabundukan at temperatura, nakakaranas pa rin ang Southern, Western, Northwestern, at Southwestern parts ng China ng matinding init nitong mga nakaraang linggo.

Dagdag pa ni Alejandro na may ilang lugar sa bansa ang nakapagtala ng temperaturang umabot hanggang 47°C.

Binigyang-diin din nito na maraming residente ang napektuhan din ang kanilang kalusugan dahil sa matinding init, kung saan ang ilang hospital ay talagang punuan at nagkakaubusan na ng wards para sa mga pasyenteng tinatamaan ng heatstroke, dehydration, at organ failure.

Kaugnay ng heatwave na nararanasan ay kaliwa’t kanan din ang naitatalang mga wildfires o pagkasunog ng ilang mga bulubundukin sa Eastern Autonomous Region ng China.

Naapula naman kaagad ng mga awtoridad ang nasabing sunog, at ngayon ay naglabas na ng abiso ang Chinese government na bawasan muna ng mga residente ang kanilang pag-gamit ng mga big appliances, lalong lalo na sa mga pinaka-lubhang apektadong lugar.

Pansamantala namang nagsuspindi ang ilan ring mga factories sa kanilang mga operations, partikular na ang mga gumagamit ng pinakamaraming kuryente o energy.

At gayon na rin ang pagbawas ng mga mall sa pag-gamit ng mga ilaw, at pagtigil muna sa paggamit ng elevators at escalators.

Saad pa ni Alejandro na nabanggit kamakailan ng isang eksperto na magtatapos na ngayong buwan ang nararanasang heatwave sa China.

@