Inanunsyo ng Department of Science and Technology na ang nagsimulang nararanasang matinding EL Nino ay maaaring tumagal hanggang sa buwan ng Pebrero.
Ayon sa iba pang mga ahensya, magpapatuloy ang El Niño hanggang sa panahon ng Marso-Abril-Mayo 2024.
Kasabay ito ng may paglipat sa El Niño Southern Oscillation sa panahon ng Abril-Mayo-Hunyo 2024.
Ayon sa mga ahensya, ang El Niño Southern Oscillation na estado ay hindi El Niño o La Niña, kung saan ang trade winds ay umiihip sa silangan hanggang kanluran sa Karagatang Pasipiko, na nagdadala ng mainitna hangin at mas mainit na tubig sa ibabaw patungo sa western Pacific at pinapanatili ang central Pacific Ocean na may katamtamang lamig.
Nauna nang nagbabala ang National Economic and Development Authority at ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ang paparating na dry spell ay maaaring makaapekto sa supply ng pagkain sa bansa.
Bilang tugon, sinabi ng Kagawaran ng Agrikultura na gumagawa ito ng mga patakaran at regulasyon para sa Section 9 ng Republic Act No. 7581, na kilala rin bilang Price Act, na naglalayong patatagin ang mga pangangailangan at suplay ng mga bilihin habang pinoprotektahan ang mga mamimili mula sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo sa panahon ng kakapusan sa pagkain.