Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng pamilya ni Carlos Edriel Yulo, sa nakamit na tagumpay ng nasabing Filipino teen gymnastics sensation sa South East Asian (SEA) Games.
Ito’y dahil nakasungkit ng medalya si Caloy sa lahat ng pitong artistic gymnastics event na nilahukan nito , kung saan dalawa ang ginto habang lima ang silver.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa mga magulang ng 19-yr old gymmast, tututukan naman ng kanilang anak ang training para sa 2020 Tokyo Olympics pero umaasa ang lolo nito na matutuloy ang pagbalik sa Pilipinas sa darating na December 18 para makasama sa pagdiriwang ng Pasko.
Samantala, nagkuwento si lolo Rodrigo Frisco kung paano nagsimula sa gymnastics ang apo.
“Araw-araw sinundan ko paglaki niya (Caloy) hanggang nag-aral na, hatid-sundo ko sa school. Tapos ahh, seven years old dinala ko siya rito (Rizal Coliseum) dahil tumbling ng tumbling doon sa lugar namin. Eh may nagsabi sa akin na dalhin ko rito, natanggap naman sila. ‘Dun na nag-start,” saad nito.
Dagdag nito na taong 2008 nang sumabak sa unang gymnastics competition si Caloy kung saan nakasungkit agad ito ng gintong medalya.
Bagama’t bihasa sa floor exercise kung saan siya gold medal, nagpakitang gilas din ito sa ilan pang artistic gymnastics event na nilahukan sa 2019 SEA Games:
Si Carlos Edriel ay pangalawa sa apat na magkakapatid.