Pinuri ni Department of National sec. Gilberto Teodoro Jr. sa mga tropa ng Hukbong Sadatahan nang dahil sa pagsusumikap nitong sugpuin ang insurhensya sa ating bansa.
Ito nga ay matapos ang ikinasang magkahiwalay na operasyon ng mga militar sa Lanao del Norte, Negros Occidental, at Bohol noong nakalipas na linggo kung saan nakasagupaan ng mga tropa ang ilan sa mga nalalabing miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) at komunistang teroristang grupo na New People’s Army (NPA).
Kaugnay nito partikular din na pinuri ng kalihim ang mga operatiba na matagumpay na natugis ang mga suspek sa madugong pangbobomba sa Mindanao State University sa Marawi City.
Samantala, kasabay nito ay nagpahayag din ng pakikidalamhati at pagpupugay ang DND sa mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan habang tiniyak naman nito ang buong suporta at tulong sa kanilang mga naulila pamilya.
Sabi ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., determinado silang habulin ang mga taong nasa likod ng paghahasik ng kaguluhan sa bansa.
Batay sa utos ng Pangulo, kasama ang AFP , magsusumikap anila silang maiwasan na may magbuwis muli ng buhay sa hanay ng pamahalaan tuwing may operasyon laban sa teroristang grupo. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)