TACLOBAN CITY – Naniniwala ang City government ng Tacloban na nakuha ng siyudad ang malaking porsiyento ng positibe cases ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa local transmission.
Ayon kay Tacloban Vice-Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin, na 75 percent ng kabuuang bilang ng kaso ng covid sa siyudad ay mga local cases samantala siyam na pursiyento rito ay locally stranded individuals (LSIs).
Lumubo ang kaso ng COVID-19 sa Tacloban dahil sa pagkakahawa ng virus sa iba’t ibang parte ng siyudad.
Naniniwala naman ang naturang opisyal na kayang malabanan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng naapektuhan ng COVID-19 kung lahat lamang ay susunod sa ipinapatupad na health protocols at makipagugnayan agad sa health office kung may iniindang sintomas ng COVID-19.
Mapapag-alaman na muling inilagay sa general community quarantine (GCQ) ang Tacloban at ibang karatig na bayan matapos na tumaas muli ang kaso ng COVID-19.