Ikinabahala ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na humanay din sa outbreak ng dengue, measles at polio ang sakit na diphtheria.

Nitong araw nang kumpirmahin ng DOH na diphtheria ang sanhi ng pagkamatay ng isang 10-taong gulang na batang babae sa Maynila.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, maituturing ng outbreak ang diptheria sa bansa dahil mas mataas ang bilang ng kaso nito ngayon kumpara sa 150 cases na naitatala sa nakalipas na mga taon.

Batay sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, nasa 167 na ang kaso ng diptheria sa bansa mula Enero. Nasa 40 naman na ang namatay.

Pero sa ngayon hindi pa raw mag-aanunsyo ng outbreak ang kagawaran dahil kayang ma-kontrol ng antibiotic ang pagkalat nito sa mga indbidwal na nagkaroon ng direktang contact sa isang diphtheria patient.

Ilan sa mga sintomas ng diphtheria ang panghihina ng katawan, lagnat, pangangati at pamamaga ng lalamunan.

Naipapasa naman daw ito sa pamamagitan ng pagbahing, ubo at close contact sa taong diagnosed ng naturang sakit.