Inaasahan na magkapagtatala ng mataas na heat index o mararamandam ng init ang 7 lalawigan sa Pilipinas ngayon Miyerkules Santo.
Ito ay ayon sa inilabas na forecast ng state weather bureau na posible umanong umakyat sa 42°C ang heat index sa mga lalawigan ng San Jose sa Occidental Mindoro, Masbate City, Camarines Sur, Roxas City at Mumbusao sa Capiz, Iloilo City at sa Cotabato City sa Maguindanao.
Ang nasabing heat index ay pasok na sa ‘danger category’ na maaaring magdulot ng heat exhaustion na posible rin na mauwi sa heat stroke at iba pang mga sakit sanhi ng malalang init.
Sa ngayon, mahigpit na inaabisuhan ng naturang ahensya ang publiko na kung kinakailangan ay umiwas sa pagbabad sa initan at uminom ng maraming tubig para maiwasan ma-dehydrate at upang hindi magkaroon ng problema sa kalusugan ngayong tag-init.