DUBLIN – Hindi makikipag-sabayan ang bansang Ireland sa pagbabakuna ng ibang estado laban sa coronavirus (COVID-19).
Ayon sa Health Ministry ng bansa, sa Setyembre pa nila binabalak na simulan ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa buong populasyon ng Ireland.
“We’re planning our program based on a supply of vaccines that would mean that every citizen can be vaccinated by September,” ani Health Minister Stephen Donnelly.
Paliwanag ng opisyal, may tentative timelines na silang inihanda, pero naka-depende pa rin daw sa magiging delivery ng bakuna ang pagsisimula ng kanilang mass vaccination program.
Sa ngayon kasi wala pa raw COVID-19 vaccine na naaaprubahan ang regulators ng European Union (EU).
Ayon kay Donnelly, bubuksan na ng Ireland sa susunod na buwan ang mga mass vaccination centers.
Batay sa datos na hawak ng Irish Health Ministry, tinatayang 94,000 citizens na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
May inaasahan pa raw na 140,000 doses ng bakuna na darating ngayong linggo.
Hindi binanggit ng opisyal kung alin sa bakuna ng Pfizer-BioNTech at Moderna ang ginamit, kahit pareho na itong may aprubadong authorization para sa buong populasyon.
Nasa ilalim na ng ikatlong lockdown ang Ireland, na may 2,768 death cases na sa COVID-19. (report from Agence France-Presse)