-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng mass testing ang Department of Health (DOH) sa mga binahang barangay sa Cauayan City.
Ito ang inihayag sa Bombo Radyo Cauayan ni City Mayor Bernard Dy.
Aniya, inisyatibo ito ng kagawaran para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na at patuloy ang pamamahagi ng mga ayuda sa mga binahang residente.
Uunahin naman ang mga barangay na nakapagtala ng mga evacuees.
Una rito, noong lunes ay sumailalim din sa swab test ang mga frontliners sa Cauayan City maging ang mga opisyal ng lunsod at wala namang nagpositibo.
Bukod naman sa lunsod ng Cauayan ay magsasagawa rin ang DOH ng mass testing sa Ilagan City at Santiago City.