-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Bilang bahagi ng kampanya kontra Covid-19, ilulunsad ng pamahalaang panlalawigan ngayong araw, August 2, ang mass orientation tungkol sa covid-19 vaccine, ang kahalagahan nito at iba pang kaalaman o updates hinggil dito.

Ang Risk Communication and Community Engagement Orientation na dadaluhan ng mga guro at kawani ng Department of Education (DepEd) ay naglalayon na madagdagan ang kaalaman ng mga lalahok upang makatulong sa paghikayat sa mga Cotabateño na magpabakuna bilang paghahanda sa nakatakdang mass vaccination sa mga susunod na araw.

Ang unang batch na lalahok ay magmumula sa bayan ng Midsayap, Kabacan, Aleosan, at lungsod ng Kidapawan hanggang matapos ang mula sa iba pang bayan hanggang August 9, 2022. Ito ay gagawin sa Integrated Provincial Health Office (IPHO), Amas, Kidapawan City.

Ang programa ay isa sa mga prayoridad ng kasalukuyang liderato ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at alinsunod na rin sa layunin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos na mabakunahan ng COVID-19 booster shots ang abot sa 23 million na mga Pilipino o 50% ng eligible population sa loob ng kanyang first 100 days.