-- Advertisements --

May paglilinaw ngayon ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng sinasabing mass cancellation sa visa ng mga Chinese nationals na sinasabing nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dito sa bansa.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, ang isinasagawa nilang mass cancellation ng visa ay para lamang sa mga Chinese na sangkot sa telecommunication fraud.

Karaniwan daw kasing binibiktima ng mga ito ang mga senior citizens dito sa bansa maging ang sarili nilang mga kababayan sa China.

Ayon kay Sandoval tuloy-tuloy ang pagpapa-deport nila sa mga illegal alien dito sa Pilipinas at da katunayan ay nasa 300 Chinese illegal workers na nahuli sa Palawan na ang na-deport nila noong nakaraang taon.

Maliban pa ito sa mahigit 500 na na-deport mula naman sa Pasay.