Hindi umano kuntento ang mga Pilipino sa performance ng pamahalaan sa pag-manage ng inflation at pagpapababa ng kahirapan.
Ito ay batay sa resulta ng isinagawang survey ng OCTA Research.
Lumalabas sa naturang survey na isinagawa ng nitong nakalipas na kwarter na 36% lamang ng mga respondents ang nagsabing kuntento sila sa mga ginagawang hakbang ng Marcos Administration para mapababa ang kahirapan habang 34% lamang ang nagsabing kuntento sila sa pag-manage ng administrasyon sa problema sa inflation.
Sa National Capital Region, 26% lamang ng mga respondents ang nagsabing kuntento sila sa mga programa ng pamahalaan para mabawasan ang kahirapan
Sa likod nito, lumalabas naman na mas maraming mga Pinoy ang kuntento sa paghawak ng pamahalaan sa iba pang mga isyu, katulad ng edukasyon, health care, pagtugon sa hamon ng mga kalamidad at pagprotekta sa mga OFW.
Lumalabas kasi sa resulta ng survey na 7 mula sa 10 respondents ang kuntento sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon ukol sa mga ito.
Umabot sa 1,200 respondents na may edad 18 pataas ang tinanong sa naturang survey.
Mayroon itong margin of error na plus/minus 3% nationwide, habang plus/minus 6% para sa Metro Manila, Luzon, Visayas and Mindanao.