-- Advertisements --

Mas maraming Pilipinong umaalis sa Sudan na naapektuhan ng kaguluhan ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa ngayon, mahigit 600 Pilipino ang umalis sa kabisera ng Sudan na Khartoum, na muling niyanig ng matinding labanan sa pagitan ng mga pwersa ng hukbo at mga paramilitar.

Sa nasabing bilang, nasa 340 sa kanila ang inilikas sa Cairo at naghihintay ng pagpapauwi sa Maynila.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Jose Eduardo de Vega, marami pa umano ang darating o makakauwi na sa susunod pang mga araw.

Mayroong hindi bababa sa 700 Filipino nationals na nakarehistro sa Sudan.

Wala namanng naiulat na namatay na Pilipino mula sa patuloy na labanan sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan, nasa 17 Pilipino na ang nakauwi na.

Una na rito, sinabi ng DFA na nasa 15 pang Pilipino ang darating sa Maynila ngayong gabi.