Mas maraming babaeng pinoy na may asawa na, ang gumagamit ng modern contraceptives kumpara sa mga wala pang asawa.
Ito ay batay sa lumabas na pag-aaral ng Commission on Population and Development (CPD), sa mga suxually active na mga babaeng may asawa at walang asawa, noong 2022.
Ayon kay CPD Executive Director Lisa Grace Bersales, ang nasabing datus ay sumasaklaw sa mga babaeng may edad 15-49, kapwa may-asawa at walang asawa.
Ayon kay Bersales, 42% ng mga babaeng Pilipino na may asawa, edad 15-49 ,ang gumagamit ng modern contraceptive habang 24% ang mga walang asawa o mga single.
Sa likod nito, sinabi ni Bersales na nananatiling mababa ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng mga modernong contraceptive, batay sa target ng nasabing ahensiya.
Lumalabas din sa nasabing pag-aaral na mas maraming mga kababaihan sa bansa na walang asawa ang hindi kuntento o hindi inaalala ang pangangailangan ng kanilang family planning.
Para matugunan, sinabi ng opisyal na kailangan pa ng mas malawak na pagpapaliwanag sa ibat ibang sector, ukol sa modern contraceptive.
Lumalabas mula pa rin sa kaparehong pag-aaral na mas maraming mga bata ang nanggagaling mula sa mga ‘less educated’ at mahihirap na kababaihan dito sa bansa.