Nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga paputok at fireworks display.
Sa inisyung Executive order No. 36 Series of 2023, ng lokal na pamahalaan, opisyal ng pinagbabawalan ang mga private residence sa lungsod na mag-organisa ng kanilang sariling fireworks displays sa pagsalubong ng 2024.
Lahat naman ng fireworks displays ay nililimitahan lamang na isagawa sa designated areas at dapat ay mayroong valid permits mula sa LGU.
Ang naturang EO ay nilagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna noong Disyembre 28 kung saan sinabi din ng alkalde na dapat mag-apply para sa special permit ang mga nais na magsagawa ng fireworks display 3 araw bago ang event.
Ang mga firecrackers na pinapayagan sa lungsod ay Baby rocket, Bawang, Small triangulo, Pulling of strings, Paper caps, El diablo, Judah’s belt at Sky rocket (Kwitis).
Sa mga pyrotechnic devices naman ay Sparklers, Luces, Fountain, Jumbo regular and special, Mabuhay, Roman candle, Trompillo, Airwolf, Whistle Device, Butterfly at lahat ng uri ng pyrotechnic devices o pailaw.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng hindi hihigit sa P30,000 o kulong ng 6 na buwan subalit hindi hihigit ng 1 taon o pareho base discretion ng korte.
Gayundin, kakanselahin ang lisensiya at business permits ng mg amagbeenta ng ipinagbabawal na mga paputok at pyrotechnic devices.