Inatasan ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang Bureau of Internal Revenue na pag-aralan ang paggamit ng tax rates ng Pilipinas sa mga kinikita ng mga Pilipino sa pagtatrabaho sa mga kliyente sa Estados Unidos.
Ito ay sa halip na rin aniya ng 30 percent withholding tax rate na sinisingil sa kanila sa America.
Kung sakaling matuloy ang iminumungkahi ni Salceda, kabilang sa mga magbebenepisyo rito ay ang mga Youtube influencers at Amazon virtual assistances, na sinisingil ng buiws sa ilalim ng Federal Withholding Tax for Foreign Nationals, na aabot ng 30 percent.
Iginiit ni Salceda na masyadong malaki ito kung ikukumpara naman sa Philippine Final Withholding Tax na hanggang 20 percent.
Kadalasan ang nangyayari aniya ay ang isang foreign national ay subject sa federal withholding tax sa kinita nito sa America sa standard flat rate na 30 percent, at magkakaroon lamang ng reduced rate kung mayroong tax treaty sa pagitan ng bansa ng foreign national at sa United States.
Base aniya sa US Internal Revenue Service, kapag ang isang foreign national ay qualified sa exemption dahil sa tax treaty benefits, halos wala na ring ipapataw na withholding tax sa kanilang kita.
Pero kailangan na ang isang foreign national ay mayroong US tax identification number para makuha ang benefit na ito.
Kaya naman pinaaaral ni Salceda sa BIR kung sasapat na ba para sa tax treaty ang Multilateral Convention on Mutual Administrative Assistance in Tax Matters.
Posible lamang aniya ito kung ratipikahan na rin ng Senado ang naturang kasunduan.
Hamon na rin aniya ito sa susunod na Finance secretary ang pagsusulong sa mga tax treaties gaya nito.