
Nagpapatuloy ang mabagal na pagbuga ng lava mula sa bunganga ng Bulkang Mayon sa kabila ng mas kaunting lindol sa nakaraang 24 na oras, ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa nakalipas na 24 na oras, nakapagtala ang Phivolcs ng 32 low-frequency volcanic quakes (LFVQs), bumaba mula sa bilang na 184 sa nakaraang monitoring.
Gayunpaman, nabanggit na ang mabagal na pagbubuhos ng lava mula sa summit crater ng Bulkang Mayon ay nagpatuloy sa pagpaparami ng mga naitatag na daloy ng lava sa Mi-isi, Basud, at Bonga gullies sa southern, eastern, and southeastern na bahagi ng bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na naitatala pa rin ang mga debris sa loob ng apat na kilometro ng bunganga mula sa rockfall at pyroclastic density currents (PDCs) na dulot ng pagbagsak ng mga margin ng lava flow at ng summit dome.
Sa nakalipas na 24 na oras, ang Bulkang Mayon ay nagkaroon ng apat na pyroclastic density currents at 138 na rockfalls.
Dahil sa mga obserbasyon na ito, sinabi ng Phivolcs na nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, na nangangahulugan na ito ay nasa medyo mataas na antas ng aktibidad at maaaring magkaroon ng potensyal na mapanganib na pagsabog sa loob ng ilang linggo o sa mga susuno na araw.










