-- Advertisements --

Agad na nagsagawa ng media day workout sa Japan si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) world super bantamweight champion Marlon “Nightmare” Tapales.

Isinagawa ang nasabing workout isang araw pagkarating nito sa Japan kung saan ginanap ito sa Ohashi Boxing Gym ang lugar ng kaniyang makakaharap na si World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) world super bantamweight king Naoya “Monster” Inoue.

Kasama ng 31-anyos na si Tapales ang kaniyang trainer na si Ernel Fontanilla at promoter na si JC Manaquil.

Ipinakita ni Tapales ang kaniyang lakas at bilis na maaring ipamalas sa paghaharap niya sa Japanes boxing star sa Disyembre 26.

Si Tapales ay mayroong 37 panalo, tatlong talo na mayroong 19 knockouts habang si Inoue ay mayroong 25 panalo na wala pang talo na may 22 knockouts.